Tuesday, 28 April 2009

ANG NAKARAAN

KA-tuwaan lang po...Bato-bato sa langit tamaan wag magalit .

Ka-katawa at Ka-kasiya ang mga nangyayari sa mga pinoy sa Hull ngayon. Matunog pa rin na usap-usapan si Ka-Sito. Dahil sa kanya naka-ka-pagsulat tayo na sana ika-katuwa ng mga maka-ka-basa. (Tagalugin natin- para mas masaya

Paano nga ba nag-umpisa ang lahat...Gunitain natin ang nakaraan.

Higit pitong taon na ang nakalipas noong may mga Pilipino nurses na na-recruit ng HeyNHS trust para magtrabaho sa Hull. Sila ang mga tinatawag na first batch. Masaya sila noon, nagkakaisa, nagtutulung-tulungan, marami ang magkakasama sa bahay nagsasalo-salo sa kainan. Pare-pareho silang na-ho-homesick at may mga naiwanang mga asawa, boyfriend, mga anak sa Pinas. Pero dahil lahat gustong kumita at makaahon sa buhay sige at nagtitiis na malayo sa pamilya. Sige sa trabaho, sige na ka-ba-bank. Okey lang di ba, kaya nga tayo nasa UK para kumita. Maka-raan ng ilang buwan sumunod ang second batch tapos sumunod naman ang mga third batch pagkatapos ng higit isa o dalawang taon. May mga napadpad din sa Hull na galing sa ibang lugar sa UK.Pagkaraan ng panahon, may mga konti na rin tayong naitabi, isa-isa tayong gumawa ng paraan para makuha dito ang ating mga pamilya. O di ba ang saya, wala ng hihigit pa na kasiyahan kundi makasama natin ang mga mahal natin sa buhay. Dahil nandiyan na mga asawa at mga anak, di na puwedeng magsiksikan sa flat. Kailangan natin magkaroon ng mas malaking tirahan kaya sumunod naman isa-isang nagsipag-mortgage. Di mo akalain na magkakabahay ka sa UK… kaya naman ipinagmamalaki ka ni nanay at tatay.

Noong una pangarap natin makapag trabaho lang sa ibang bansa,pinagdadasal at pinag-nonobena pa nga tayo ng mga nanay natin sa Baclaran di ba, pero ngayon, eto tayo higit pa sa mga ina-asam-asam natin ang nakamtan natin. Dati rati ka-dilakad tayong pumunta ng Asda at carboot kahit hirap sa dami ng bitbit, naka-bisikleta papunta ng bayan at sikat si Mr Moore noong araw. Ngayon naman mula d gardens papunta ng d mews naka-mercedes pa, o wala kang masabi… okay lang mga katas yan ng ating mga pinaghirapan, lasapin natin.
Dati-rati tuwing Linggo nagkakasalubong ang maraming pinoy sa Car boot ngayon ordinaryo na lang ang pumunta ng debenhams at House of Frazier.Tuwing Linggo may bagong damit , normal lang ang mag-shopping, pinaghihirapan mo naman sa katratrabaho kaya ok lang. Nakakatuwa ano, pero ang sayang gunitain. Mga second hand o bigay naTV sa atin ng mga kaibigan at kasamahan sa trabaho, napalitan na ng mga nagsisipaglakihang plasma screen. Asenso na nga ang mga pinoy sa Hull. Sumunod naman, pangarap natin mapapunta mga magulang natin sa England, nakamtan din natin… Gusto mong pumunta ng Europa, madali lang, book ka lang ng flight sa internet, aba’y sige lipad na. Mag-week-end ka sa Paris o Amsterdam, afford mo iyan kaibigan. O di ba ang suwerte talaga natin. Ano pa kaya ang mahihiling natin. Magpasalamat tayo mga kapatid.

Pero bakit kaya di pa rin tayo masiyahan. Di pa rin tayo makuntento. Andun pa rin iyon Pilipino mentality na sa halip sa ikatuwa natin ang pag-asenso ng ating mga kababayan na noong araw ay mga matalik natin mga kaibigan, eto tayo nagsisiraan. May ilan sa atin ang nag-aaway dahil sa mga walang kuwentong bagay… pati mga anak-anakan natin nadadamay. Sabi ni ganito, sabi ni ganyan…madali tayong maniwala, kaya anong kinahihinatnan, dina kita bati. Di lang ikaw pati mga kaibigan mo di ko na rin bati…, ay nakita ko si ganito kasama si ganyan, ay naku pareho na lang sila… kung sa English that’s a cliché… over-use na statement. Pero bakit… kung guilty ka tanungin mo sarili mo.

Naisipang magbuo ng komunidad para sa mga pinoy, na ang hangarin lang naman ay ang pag-isahin ang lahat sa pamamagitan ng mga salo-salo tuwing pasko, sports fest at iba pa, pero may mga ilan pa rin ang di natutuwa at sa halip ay bumubuo ng sarili nilang mga grupo. Ok lang naman ito di ba basta wag lang guluhin iyon iba.
Lahat naman tayo may karapatang gawin ang gusto natin pero wag lang may masasagasahan.

Nakakapanghinayang lang talagang isipin iyong mga pinagsamahan natin noong araw. Pero ganyan lang talaga ang buhay mga kaibigan, we have to move on ika nga…Magkakasama pa tayo dito sa hull ang marami pang taon kaya siguro maganda kung kalimutan natin lahat ang mga samaan natin ng mga loob, mga away natin noong araw gunitain na lang natin ang mga masasayang araw…at magpasalamat
tayo at nabigyan tayo ng pagkakataong makamit ang mga pangarap natin. AMEN

No comments:

Post a Comment

Note: only a member of this blog may post a comment.